Filipino

Filipino

Sabi ni Lera Boroditsky, kapag binago daw ang pananalita ng tao, mababago din daw ang kanilang pag-iisip. Hindi maiiwasan na maiimpluwensyahan na ng kulturang pinanggalingan ng wikang banyaga ang pag-iisip, pananamit, mga produktong binibili, pati na mga awit na pinakikinggan at mga palabas na pinapanood.

Sa panahon ngayon, karamihan ng mga kabataan ay hindi na ginagamit ang wikang Filipino, maliban sa asignaturang Filipino sa paaralan. Ang mga tutor ngayon ay puro sa asignaturang Filipino at Araling Panlipunan sa kadahilanang hindi maintindihan ng mga bata ang mga paksang tinatalakay sa klase. Dalawang katanungan po lamang: Kayo po ba ay Pilipino? Sa Pilipinas po ba kayo nakatira? Kung ang sagot sa mga katanungang ito ay parehong OO, karapatdapat lamang na gamitin ang wikang Filipino. Ang pagtangkilik sa sariling wika ay nagpapakita ng pagmamahal sa iyong bayan. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal “Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa mabaho at malansang isda.”

-VBS

This article appears in the August, 2014 issue of TLA Blaze.